Outgoing Agriculture Sec. Dar suportado ang desisyon ni Marcos Jr., na pamunuan ang DA

Suportado ni outgoing Agriculture Secretary William Dar ang naging desisyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na pamunuan ang Kagawaran ng Agrikultura.

Ayon kay Dar handa siyang para i-brief at i-assist si Marcos Jr., sa kasalukuyang estado ng DA.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Inihahanda na rin umano ng kalihim ang transition report na ibibigay niya sa incoming president.

Kabilang na dito ang mga ‘unfinished business’ ng ahensiya, situational analysis, policy framework, major accomplishments sa ilalim ni Dar, at agenda forward and proposal.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Samantala naniniwala naman ang outgoing DA secretary na mabibigyan ng sapat na pondo ang kagawaran ngayong si Marcos Jr. ang mamumuno dito.