Olongapo City Sports hinihiling sa SBMA na buksan muli ang NCT Road

Hinihiling ng Olongapo City Sports and Youth Development Office sa Subic Bay Metropolitan Authority na buksan muli ang NCT Road para sa mga leisure cyclist.

Ito ay dahil ang nasabing lugar ay nagsisilbi na noon pa man bilang training ground ng mga siklista dahil malawak at maayos ang lugar.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Ayon kay City Sports OIC Dave Bayarong, sumulat ang kanilang opisina kay SBMA Chairman & Administrator Rolen Paulino Sr para sa kahilingan.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Matatandaan na ipinasara ng SBMA ang lugar nakaraang taon matapos na may madisgrasya dahil sa isang karera.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO