Out-going Daet Bishop Alarcon nagpatupad ng balasahan sa mga ministry at komisyon sa harap ng napipintong pag-alis sa Diyosesis ng Daet

Nagpatupad ng balasahan sa hanay ng mga ministry at komisyon si outgoing Bishop Rex Andrew Alarcon isang buwan bago ang pag alis nito sa Diyosesis ng Daet para maging Arsobispo ng Caceres.

Aminado si Archbishop- elect Alarcon na nag- alangan na siya na magpatupad ng balasahan bunsod ng napipinto niyang pag- alis dahil baka magmukhang midnight appointment.

Kinunsulta umano niya ang mga kaparian noong huling clergy assembly at sa consent ng mga ito ay ibinababa ang mga bagong assignment dahil karamihan sa mga pari ay matagal na sa mga komisyon at ministry na kanilang hinahawakan at kailangan na talagang mabago.

Gayunman nilinaw ng Achbishop- elect na ang mga bagong appointment na ito ay “ad- interim” basis at bahala na ang sususnod na Obispo kung kaniya itong iko- confirm.

Kasabay ng kaniyang pag- alis ay magtatapos na rin ang assignment ng mga vicars maliban sa ilan na magpapatuloy. Epektibo ang mga bagong appointment sa April 7, 2024 o sa Divine Mercy Sunday.

Binuhay rin ng Obispo ang Commission on ecumenism and interreligious dialogue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *