PhilSys registration para sa mga batang edad 1-4 taong gulang sinimulan na sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Sinimulan na sa Camarines Norte ang pagrerehistro sa national ID o Philippine Identification System o PhilSys ng mga batang edad isa hanggang apat na taong gulang na kasama na sa regular na bilang.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao ng Philippine Statistics Authority (PSA), kaniyang sinabi na ang hakbang na ito ay para makadagdag sa total registration ng PhilSys.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Target umano ng PSA na maabot ang 92 million registration sa buong bansa sa Hunyo at nakatulong ang pagrerehistro sa mga bata sa naturang age bracket para madagdagan ang registration.

Batay sa pinakahuling datos ng ahensiya, nasa mahigit 497,000 o 94. 9 % na indibidwal sa Camarines Norte ang rehistrado na sa PhilSys sa mahigit 600,000 na populasyon.

Para mairehistro ang mga batang edad 1- 4 taong gulang ay kailangan lang dalhin ng magulang o guardian ang birth certificate ng bata.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Matatandaan na first quarter nitong taon nang magsagawa muna ng pilot registration ang PSA para sa ganitong edad.

Aminado si Padayao na hindi madaling irehistro ang mga bata sa ganitong edad. Pero ang mahalaga umano, sa murang gulang ay mayroon na silang valid ID.