Our Lady of the Visitation of Guibang, dinagsa ng mga deboto

Dinagsa ng maraming mga deboto ni Our Lady of the Visitiation of Guibang ang National Shrine nito sa barangay Guibang, Gamu upang magdasal at makiisa sa kapistahan nito ngayong araw, ikalawang araw ng Hulyo.

Base sa kasaysayan nito, ipinagdiriwang ang kapistahan ng Visitation of Virgin Mary tuwing ikalawang araw ng Hulyo matapos itong itatag ni Pope Urban VI noong 1389.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa panayam ng Brigada News Team kay Elma Villanueva na mula pa sa bayan ng Jones, matagal na aniya siyang deboto ng simbahang katoliko kung saan naging kaugalian na nil ana bisitahin ang simbahan ng Guibang tuwing kapistahan nito.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon naman kay Flordeliza, isa rin sa mga deboto, hindi aniya hadlang ang layo ng kanilang lugar upang puntahan ang Our Lady of the Visitation in Guibang upang magdasal at makinig sa misa.