Ospital sa Pioduran, Albay lockdown dahil sa medical workers na nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI-Nagdeklara ng total lockdown ang Pioduran Memorial District Hospital sa bayan ng Pioduran matapos magpositibo ang ilang mga Medical frontliners sa Covid-19.

Sa pinalabas na report ng Pioduran Disaster Reisk Reduction and Management Council, nagsimula ang pansamantalang pagsasara ng nasabing hospital noong nakaraang sabado.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dagdag pa nito, binawalan na rin muna ang mga pamilya ng mga pasyente na makabisita dahil sa sitwasyon.

Samantalang habang nakasara ang nasabing hospital, nagpapatuloy na rin ang Contact tracing sa mga pangunahing naging close contact ng mga ito at isasagawa na rin ang disinfection sa lugar.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nilinaw rin ng nasabing hospital na agad silang magpapalabas ng notice kung sa kaling magbabalik na sila sa operasyon.