Ospital ng mga Chinese POGO workers sa Pasay City, ipinasara dahil sa kawalan ng lisensya

Sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang isang ospital sa Pasay City na iligal na nag ooperate at umano’y nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon sa PAOCC, bumibisita sa naturang ospital ang mga empleyado ng POGO na may kondisyong medikal.

Hindi umano lisensyado ng Department of Health ang pasilidad at wala ring mga permit at license to practice medicine and nursing in the Philippines ang mga doktor at nurse.

Dalawa sa tatlong doctor na nahuli ay Vietnamese habang ang isa ay Chinese national.

Huli din ang isang nurse na Vietnamese at isang Chinese pharmacist.

Nag-ugat ang nasabing raid sa isang mission order laban kay Trinh Dinh Sang kung saan dalawang linggo itong sinurveillance dahil sa alegasyon ng medical practice without the proper license.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *