Bulkang Taal – muling nagtala ng phreatic eruption

Na-monitor ng PHIVOLCS ang steam-driven o phreatic eruption sa Taal Volcano sa Batangas.

Batay ito sa nakalipas na 24 oras na pagbabantay sa bulkan.

Read More:  Robin Padilla, Bong Go ask Supreme Court to restore 16-vote threshold

Nakasaad sa bulletin ng PHIVOLCS na umaabot ng hanggang 5 minuto ang phreatic eruption.

Noong July 29, nakapagbuga naman ang Bulkang Taal ng 1,709 na tonelada ng sulfur dioxide.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Maliban dito, nakapag-record din ang ahensya ng dalawang volcanic earthquakes mula sa bulkan.

Samantala, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ibig sabihin, mayroon itong low-level unrest.