Opsina ng LTO Naga District dinagsa ng mga kukuha ng plastic driver’s license card

NAGA CITY – Dinagsa ng mga taga loob at labas sa lungsod ng Naga ang opsina ng Land Trasportation Office (LTO) Naga District na kukuha ng Plastic Driver’s Licence Card, ito’y makaraang ianunsyo ng national office ang pagsisimula sa pamamahagi ng naturang I’D.

Tulad nalang ni John Wincel Varde mula sa Minalabac Camarines Sur, nagtungo sa opisina upang kuhanin ang lisensya, mas mainam aniya na plastic pa rin an lisensya upang kahit mabasa ng tubig ay hindi masisira.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Sa impormasyon, 5,000 na mga plastic cards ang allocated sa kanila ng head office, nagsimulang mamahagi noon pang nakaraang lunes.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Sa ngayon, wala pang abiso sa kanila kung may susunod na batch ng plastic cards.

Una nang sinabi ni LTO Chief Assisstant Secritary Atty. Vigor Mendoza, matutugunan ng bagong batch ng plastic cards ang backlog sa mga plastic-printed driver’s license.