Makikipagpulong si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople sa ilang mga ahensya ng gobyerno upang pag-usapan ang karapatan at kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Ople, makikipag-usap siya sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa ilang isyu ng mga OFWs lalo na sa Saudi Arabia.

Matatandaang naglabas si dating DOLE Secretary Silvestre Bello III ng household service worker deployment ban sa naturang bansa dahil sa unpaid salaries ng ilang manggagawa doon.
Samantala, napauwi naman sa Pilipinas ang nasabing mga OFWs kung saan naipanalo ang kaso at hinihintay na lamang ang kanilang mga sahod. (ARGIE ERGINA)