Oplan Goodbye Bulate, isinusulong ng Albay PHO bilang pakikiisa sa National Deworming Month celebration ngayong Hulyo

LEGAZPI CITY – Isinusulong ngayon ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang kanilang “Oplan Goodbye Bulate” bilang pakikiisa nito sa National Deworming Month Celebration ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Rural Sanitation Inspector Anthony Ludovice, itinutulak ng nasabing tanggapan ang ikalawang round ng deworming activity bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang.

Sa pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Department of Health (DOH) Bicol, nakatakda itong simulan ang ikalawang round nito upang maging malusog, masigla, at matalino ang mga kabataan sa lalawigan.

Ayon pa kay Loduvice, layunin ng PHO na mapanatili ang pagiging Rank 1 ng lalawigan sa may outstanding output sa deworming para sa taong 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *