296K na nagparehistro sa PhilSys sa Camarines Sur, nagawan na ng ID

NAGA CITY – Mahigit 296,000 nang National ID sa buong Camarines Sur ang nagawa na at natanggap na ng Philippine Postal Corporation o Philpost. 272,000 naman ang naihatid na at 43,000 ang ibinalik sa sender o sa Provincial Office ng Philippine Statics Authority o PSA.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Cynthia Perdiz, Regional Director ng PSA-Bicol, sinabi nitong sa mahigit 1.70 milyong target na dapat na magawan ng National ID sa probinsya, mahigit 1.19 milyon pa lang ang nakakapagparehistro.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kagaya ng unang sinabi nito noon sa BNFM Naga, pagdating sa Card Production Unit mahirap makapag-produce ng mga National ID lalo dumadaan ang bawat ID sa maraming beses na pagpiprint o maraming layer ang bawat isa nito, ito ay para sa seguridad sa bawat pagkakakilanlan ng bawat tao, iniiwasan rin kasi ang posibilidad na pagkakaparepareho nito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang 43, 000 namang ibinabalik, ay ang mga taong posibleng namatay na, wala sa tirahan na inilagay nito o kaya naman hindi mahanap.

Kaya naman nanawagan si Perdiz hindi lang para sa probinsya ng Camarines maging sa buong rehiyon na sana maunawaan ang kanilang ahensya.