Opisyal sa QCPD, sinibak sa pwesto dahil sa umano’y sexual harassment

Sinibak sa puwesto isang mataas na opisyal sa Quezon City Police District matapos siyang masangkot at akusahan ng sexual harassment ng isa ring pulis.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Nangyari ito matapos na magsampa ng reklamo ang kapwa niyang pulis sa Internal Affairs Service laban sa akusado.

Mula sa pagiging lieutenant colonel ay inilagay muna siya sa floating status habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon laban sa kanya.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni PNP Public Information Officer Col. Jean Fajardo na na-relieve na ang opisyal sa kanyang puwesto.