Ilang residente sa bayan ng Mercedes kusang loob na isinurender ang mga alagang aso sa Provet

CAMARINES NORTE – Kusang loob na isinurender ng ilang residente sa Barangay 4, Mercedes, Camarines Norte sa Provincial Veterinary Office ang kanilang alagang aso.

Ito ay makaraang magsagawa ng pagsagip sa mga pagala- galang aso ang mga tauhan ng Provet at Municipal Agriculture Office (MAO) sa nabanggit na lugar. Nasa 15 aso ang isinurender. Sa pamamagitan nito ay hindi na dadami pa ang mga pagala- galang aso sa kalsada na posibleng makakagat at maging sanhi pa ng disgrasya.

Mababatid na nito lang taon, dalawa na ang namatay dahil sa rabies dito sa Camarines Norte batay sa datos ng Department of Health. Sa datos naman ng Provincial Health Office, tumaas pa lalo ang kaso ng  animal bite sa lalawigan na umabot sa 16, 234 noong 2023 na pinakamataas sa nakalipas na apat na taon. Noong 2022 nakapagtala ang lalawigan ng nasa 11, 609 animal bite cases na mas mataas din sa 9, 941 noong 2021 at sa 6, 392 noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *