Operation baklas, muling isasagawa ng comelec cauayan city

Muling isasagawa ng COMELEC Cauayan City ang operasyon Baklas sa mga campaign paraphernalia na nakakabit sa mga hindi common poster area at oversized.

Sa panayam kay COMELEC Cauayan City Election Officer Atty. Jerbee Cortez, na kanilang ipagpapatuloy ang operasyon baklas kung saan target na tanggalin o alisin ang mga campaign material na makikitang lumalabag sa mga panuntunan ng poll body.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Paliwanag niya ito ay sa kabila ng inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng korte suprema sapagkat ang ipinagbabawal lamang nito ay ang pagbaklas ng COMELEC sa mga poster sa private property na kahit anong sukat.

Kailangan aniyang sumunod sila sa desisyon ng supreme court kung saan alinsundo rin sa TRO ay hindi nila pwedeng tanggalin ang mga mural sa mga pribadong pagmama-ari.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Gayunman ayon kay Atty. Cortez, ipagpapatuloy nila ang pagbabaklas sa mga campaign paraphernalia na nasa hindi common poster area katulad ng poste ng kuryente, punong-kahoy at sobranga sukat na nasa pampublikong lugar.

Nagpapaalala naman siya sa mga kandidato lalong-lalo na sa lokal na sumunod sa mga reglamentos ng COMELEC ngayong kampaniyahan para sa halalan 2022.