Average daily cases ng covid-19 sa rehiyon, nasa 4 hanggang 5 kaso na lamang kada araw; DOH-Bicol, may apela sa publiko

BICOL – SA gitna ng patulo na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng covid-19 kada araw sa rehiyon, patuloy na umaapela ngayon ang Department of Health – DOH-Bicol sa publiko na mahigpit pa ring sundin ang mga umiiral na health at safety protocols.

Ayon kay Ken Nuyda ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), ang bilang ng mga bagong kaso sa rehiyon ay nananatiling mababa sa nakalipas na apat na linggo.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa katunayan umano, ang average daily infections ay umaabot lamang ng apat hanggang limang kaso kada araw. Habang nitong linggo ay walang nag positibo sa mga pinadalang specimens dahilan upang maging zero new case ang rehiyon.

Patunay lamang umano na epektibo ang mga isinasagaawang hakbang at akyon ng gobyerno at ng publiko sa pag-iwas sa nakamamatay na virus gayundn ang naagpapatuloy na roll-out ng mga bakuna.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Gayunpaman, patuloy nitong pinaalalahan ang publiko, lalo na ngayong summer season at panahon ng kampanyahan kung saan kaliwa’t kanan ang political rallies na maging maingat dahil hindi pa tapos pandemya at nariyan pa rin ang banta ng hawaan at covid-19 resurgence.

Sa huli, nananawagan din ito sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na magpabakuna na gayundin sa mga fully vaccinated at eligible individduals na huwag nang mag agam-agam at magpa booster shot na rin.