Inilalatag na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang rekomendasyon para sa tamang pagsasagawa ng kanilang website kontra sa mga cyber criminal at hacker.
Ayon kay Secretary John Ivan Uy, sa pamamagitan nito ay magiging mas responsable ang mga ahensya sa paghawak ng kanilang website para hindi makompormiso ang mga impormasyon na mayroon ito.
Dagdag pa nito, madalas silang nagpapaalala hinggil sa posibleng panghihimasok ng mga hackers sa mga website pero isinasawalang-bahala lang ito – dahilan upang makapasok ang mga hackers sa mga website.
Samanatala, binigyang-diin ni Uy na magpaptupad na sila ng multa at parusa o administrative sanctions laban sa mga ahensya ng pamahalaan na hindi gumawa ng aksyon kahit pa inabisuhan na sila ng DICT na madaling pasukin ang kanilang website.