Operasyon ng ‘cloud seeding’ sa Angat Dam, nagsimula na

Nagsimula na ang operasyon ng ‘cloud seeding’ sa Angat Dam upang magkaroon ng sapat na suplay ng tubig. Isang proseso ito kung saan binabago ang dami ng bumagbasak na ulan mula sa ulap.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevilo David Jr., sinimulan na ang ang naturang operasyon noong nakaraang linggo ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Sinabi ng PAGASA na parehas ang datos noong 2010 kung saan nagkaroon ng water crisis ang bansa at posible umanong maabot ang critical level sa Angat Dam sa Hunyo ngayong taon.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Samantala, binawasan naman ng National Irrigation Administration (NIA) ang suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Bulacan at Pampanga kung saan pangunahing pinagkukunan ng portable water sa buong Metro Manila ang naturang dam. (ARGIE ERGINA)