OPAg So.Cot, patuloy ang pamamahagi ng mga fingerlings

KORONADAL CITY- NAGPAPATULOY ang pamamahagi ng libreng semilya ng hito at tilapia ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg South Cotabato sa mga marginalized na mga mangingisda.

Kaugnay nito, hinihikayat ng OPAg ang mga nagmamay-ari ng mga fish pond na magsumite ng letter of intent sa mga municipal o city agriculturist.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang naturang request ay ie-endorso naman sa OPAg na siyang magsasagawa ng validation at tutukoy sa mga mabibigyan ng fingerlings.

Pinasiguro naman ng OPAg na bibigyan ng technical assistance ang mga benepisyaryo upang mamonitor ang proyekto.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang South Cotabato ay mayroong Provincial Freshwater Multi-Species Fish Hatchery para sa produksyon ng dekalidad na hito at tilapia fingerlings at iba pang species para sa dispersal sa mga benepsiyaryo.