Inday hinimok ang gobyerno na damihan ang bibilhing Western vaccine kaysa Sinovac

Inireport ng Davao city govenrment sa Inter-agency Task Force ang mababang acceptability sa Sinovac at Sinopharm vaccines mula sa China.

Ito ay sa pag-asang mahikayat ang national body na bumili ng mas maraming Western vaccine kaysa sa Chinese Pharmaceutical companies.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Sinabi ni Davao city mayor Sara Duterte na malaking hamon sa vaccine rollout ang mababang pagtanggap sa Sinopharm at Sinovac.

Binigyang diin ni Mayor Duterte na naniniwala siyang moral responsibility niya na ipaalam sa IATF ang totoong nangyayari sa ground Dagdag pa ng alkalde na dapat tignan ng gobyerno ang sitwasyon para makatulong sa pagtugon sa sitwasyon ng bansa.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Tinukoy din ng alkalde ang Moderna at Pfizer vaccines na bigyang prayoridad sa pagbili.