Dinampot ng mga awtoridad ang isang 18 anyos na binata nitong Martes, July 5, 2022 matapos itong ireklamo ng pagbebenta ng manok na pang-sabong na hindi sa kanya.
Ayon sa ulat ng Barangay San Pedro sa Puerto Princesa, nagpanggap na buyer ang may-ari ng manok na si Nelbert Cardano matapos nyang makita na ibinebenta na online ang manok na nawala noong araw ng Linggo.
Nagkasundo si Nelbert at ang suspek na magkita at magkabayaran sa Pineyra Road Barangay San Pedro pero ang hindi alam ng suspek ay ang may-ari ng tandang ang ka-transaksyon.
Pero depensa ng suspek ay binili niya lamang din sa online ang manok na pula bago nya inalok sa iba pero hindi ito kinagat ng biktima kaya nagkaroon umano ng komusyon sa pagitan nilang dalawa, ayon pa sa ulat ng Barangay.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng Barangay ang iba pang insidente ng nakawan.