Online application sa 2 scholarship programs ng OWWA 12, nagsimula na

KORONADAL CITY- SA pinakaunang pagkakataon, tumatanggap na ng online application simula noong January 9 ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 para sa dalawa nitong scholarship programs, ang Education for Development Scholarship Program o EDSP at Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP para sa school year 2023-2024.

Ito ay eksklusibo lamang para sa mga incoming first year college sa school year 2023.

Ang EDSP ay isang scholarship grant para sa mga qualified dependents ng active OWWA member na gustong kumuha ng 4 hanggang 5-year baccalaureate course sa kahit saang kolehiyo o unibersidad. Makakatanggap ang mga ito ng tig P 60,000 na financial assistance kada school year.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kwalipikado sa naturang programa ang anak ng OFW o kapatid ng single na OFW na kasalukuyang enrolled sa Grade 12, single, may edad na hindi lalagpas sa 30 years old at may General Weighted Average na hindi bababa sa B letter grade o 85% na katumbas sa lahat ng academic at non-academic subjects sa last school year na kanyang pinasukan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, ang CMWSP ay para naman sa mga deserving migrant worker o kanilang immediate family na gustong mag-enroll sa mga kursong may kaugnayan sa science and technology na natukoy ng Department of Science ang Technology o DOST.

Ang mga scholars ay makakatanggap din ng tig P 60,000 na scholarship grant kada school year.

Sa mga interesado na maging OWWA scholar, mag-apply online sa pamamagitan ng scholarship.owwa.gov.ph.