Japanese prosecutors, kinasuhan na ang lalaking suspek sa pagpatay kay dating Japan Prime Minister Shinzo Abe

Kinasuhan ng Japanese prosecutors ang lalaking inakusahan ng pagpatay kay dating Prime Minister Shinzo Abe.

Ito ay makaraan ang mahabang psychiatric review kung saan napag-alaman na siya ay karapat-dapat na humarap sa pagliltis.

Kaagad na ikinulong si Tetsuya Yamagami matapos barilin ang dating Japanese premier noong Hulyo habang nagbibigay ng campaign speech sa western city ng Nara.

Nahaharap si Yamagami sa mga kasong pagpatay at paglabag sa gun control laws at maaari niyang harapin ang parusang kamatayan kung mapatunayang nagkasala.//CA