LEGAZPI CITY – Patuloy na sinasagawa ang rebisyon ng Legazpi City Smoke-Free Ordinance para maging mas komprehensibo, participative at adaptive sa pagbabago ng panahon.
Kasama ang iba pang miyembrong ahensya ng Legazpi City Smoke-Free Committee, at sa gabay ng Department of Health Bicol (DOH Bicol CHD) at LGU Legazpi legal team, ay nasa serye ng mga pagpupulong at mga deliberasyon para sa mga karagdagang rebisyon at pagsasama ng mga probisyon ng bagong Vape Bill, na naging batas kamakailan, at mas malawak na partisipasyon ng mga komunidad at barangay sa pagpapatupad ng ordinansa.