Maari pa naman umanong makapagperform overseas ang K-pop boy group na BTS, habang nagsisilbi ang mga ito sa military.
Ito ang pahayag ng South Korea’s defense minister, sa harap ng debate ng naturang bansa na paiksiin ang mandatory military service para sa K-pop stars sa tatlong linggo mula sa halos dalawang taon.
Ang isyu ay nakatutok rin sa pinakamatandang miyembro ng band na si Jin na magtatatlumpong taon na sa susunod na taon.
Sa ilalim kasi ng 2019 revision ng batas, ang globally recognized K-pop stars ay pinapayagan lang na i-put off ang kanilang serbisyo hanggang 30 taong gulang.
Mababatid na ang military service ay malaking kontrobersiya sa South Korea, kung saan ang lahat ng able-bodied men na may edad 18 hanggang 28 ay kailangan ma-fulfill ang kanilang duties, bilang bahagi ng hakbang na makadepensa laban sa nuclear-armed North Korea.
