DOJ, maghahain na ng rape, lasciviousness cases vs Vhong Navarro

Maghahain na ang Department of Justice (DOJ) sa korte ng mga kasong rape at acts of lasciviousness laban sa aktor at host na si Ferdinand “Vhong” H. Navarro, batay sa reklamo na inihain ng modelong si Deniece Milinette Cornejo.

Ang paghahain ng kaso sa korte ay gagawin matapos baliktarin ng Court of Appeals (CA) ang 2018 at 2020 resolutions ng DOJ na nagbabasura sa apela ni Cornejo mula sa mga rulings na ibinababa ng Taguig City prosecutor’s office.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla, tatalima sila sa kautusan ng korte.

Batay sa kanyang reklamo, sinabi ni Cornejo na nakilala niya si Navarro sa Makati City mall noong 2011 sa isang event kung saan endorser siya para sa isang shoe brand.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag nito, kinuha ni Vhong ang kanyang telephone number mula sa staff member sa naturang event.

Matapos noon ay tumatawag na si Navarro sa kanya o nagpapadala ng text messages, hanggang sa naging magkaibigan, at pinayagan na niya rin itong bumisita sa kanya sa kanyang condominium unit noong 2014.