Omicron, ‘very likely’ na papalitan ang delta bilang dominant variant sa Pilipinas ayon sa WHO

Naniniwala ang World Health Organization na “very likely” na mapalitan ng omicron ang delta bilang dominanteng variant sa Pilipinas.

Inihayag ito ng WHO matapos makumpirma ng Pilipinas ang dalawang unang kaso nito ng omicron variant.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Sinabi ni WHO Philippines representative Rabindra Abeyasinghe na meron lamang maikling panahon ang bansa para pataasin ang kahandaan nito laban sa omicron variant.

Ipinunto ni Abeyasinghe na kailangan natin ito gamitin para protektahan ang mga most vulnerable.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Sa ngayon ang omicron variant, na itinuturing bilang “variant of concern ng WHO, ay nakaabot na sa 78 bansa kabilang na ang Pilipinas.