Karamihan ng mga bahay sa Iloilo City, napinsala mula sa mga nagbagsakang mga puno

Umapela ng tulong ang Iloilo City mula sa mga pribadong kompanya at indibidwal upang maalis ang mga nakaharang na puno at electrical posts sa kanilang mga kalsada.

Ito ay matapos bayuhin ng malakas na hangin ang lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong Odette.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Mayor Jerry Treñas marami sa mga puno at poste sa kanilang lungsod ang nagbagsakan sa mga primary at secondary roads.

Ibinahagi rin niya na marami sa mga bahay doon ang nawalan ng bubong at nawasak mula sa pagbagsak ng mga puno.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa huling ulat ng lokal na pamahalaan ay umabot na sa 4,586 na indibidwal mula sa 32 barangay ang nailikas papunta sa 63 evacuation centers.