Lumampas na sa 100-milyong COVID-19 vaccine doses ang naiturok sa Pilipinas base sa huling datos ng gobyerno nitong Biyernes.
Naiulat ito ng mga otoridad sa gitna ng pagharap ng bansa sa dalawang magkaibang banta na hatid ng Omicron variant at Bagyong Odette.
Base sa dashboard ng Department of Health ay nadagdagan ang opisyal na bilang matapos maipamahagi ang 866,685 doses noong Huwebes.
Tinatayang nasa 43-million na mula sa 77.1-million target population ang nakakumpleto ng kanilang inokulasyon.
Target ng gobyerno na makumpleto ang vaccination ng 54-milyon na katao o tinatayang 70% ng target sa katapusan ng taon.
