Imomonitor ng Olongapo City Agriculture Office ang mga benipisyaryong nabigyan ng ayuda mula sa Department of Agriculture o DA.
Ito ay para masigurong hindi masasayang ang tulong na ibinigay sa mga ito lalo na marami pa ang mga mamamayan na nangangailangan ng hanapbuhay.
Matatandaan na nagbigay ng mga alagaing manok at rabbit ang DA para sa mga kwalipikadong mga benipisyaryo na tutulungan na umangat sa buhay.
Sakaling makitang nagpapabaya ang mga ito sa mga ibinigay na ayuda ay pupuwedeng bawiin ito ng opisina at hindi na mapapabilang sa mabibigyan muli ng ayuda.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Coun. Rodel Cerezo
