Oil storage sa Cuba nasunog matapos tamaan ng kidlat, 1 patay, 16 pa nawawala

“Under control” na ang sunog sa main oil storage facilty ng Cuba.

Ayon sa report, tinamaan ng kidlat ang isa sa mga storage tanks sa Matanzas super tanker port na dahilan ng pagliyab nito.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Agad na sumiklab ang isa pang tangke nito na dahilan ng lalong paglaki ng apoy kung saan isang bombero ang minalas na nasawi habang 16 na tao ang missing.

Sinabi ni Susely Morfa Gonzalez, head ng Communist Party sa Matanzas na wala nang apoy sa main storage pero mayroon pang bahagyang apoy sa ikalawang tangke.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Naagapan din aniya ang oil contamination sa Matanzas Bay.