Muling nagkasa ngayong araw ng relief operation ang Brigada Group, sa pangunguna ng Brigada NewsFM Manila, upang tulungan ang ilan pang mga ka-Brigada na naapektuhan ng kamakailang paghagupit ng Bagyong Carina.
Nagsagawa ng house to house visit ang Brigada Manila Team sa Brgy. Lambakin sa Marilao, Bulacan upang mabiyayaan ng tulong ang 200 na pamilyang nabahaan dito.
Ilan sa mga benepisyaryo ay nakaranas umano ng lampas tao na baha habang ang ilan ay na-washout ng buo ang tirahan.
Agad naman ding nagpasalamat ang mga ito sa Brigada dahil tulong na kanilang natanggap na tiyak na mapapakinabangan umano ng kanilang buong pamilya.
Matatandaan, ito na ang ikatlong relief operation ng Brigada na unang sinimulan sa Marikina at Tanay, Rizal.
Ang mga ipinamahagi ng Brigada ay mula sa mga nakalap na donasyon mula sa iba’t ibang Brigada NewsFM Stations nationwide.
Mayroon ding nagmula sa Brigada Distributions Inc. sa pamamagitan ng inyong pagtangkilik sa Power Cells Herbal Capsule, Guard-C Plus, at DriveMax Plus Herbal Capsule.
Muli po – nagpapasalamat ang Brigada Group sa lahat ng mga nag-donate sa buong bansa.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng mga patuloy na tumatangkilik sa mga produkto ng Brigada.