OFW mula sa Albay – natagpuang patay sa loob ng isang cabinet sa Kuwait

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 34 anyos na babaeng Overseas Filipino Worker sa Kuwait sa loob mismo ng isang cabinet.

Kinilala ang biktima na si alyas “Joy”, isang kasambahay at napag-alamang residente ng Daraga, Albay.

Read More:  Bantay Senado holds first barangay assembly on VP Sara impeachment trial

Sa pahayag ng isa sa katrabaho nito, bago niya umano maabutan ang biktima sa cabinet, narinig niya pa itong may kaaway sa cellphone.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Samantala, sa parte naman ng Overseas Filipino Workers Welfare Administration, sinabi ni OWWA Bicol Information Officer Nika Matugas sa Brigada News FM Legazpi na kasalukuyan na nilang bineberipika ang status ng membership ng biktima, dahil dito umano sila bumabase sa tulong na ibibigay nila sa biktima. (with reports from ALYZZA BALLON – 91.5 BNFM LEGAZPI)