Cong. Castro sa mga alegasyon ni VP Sara – ‘feeling niya lang ‘yon!’

Nanindigan si House Deputy Minority Leader Rep. France Castro na hindi isang political attack ang naging pagtatanong ng mga kongresista sa 2025 proposed budget ng Office of the Vice President (OVP).

Ito ay matapos akusahan ni VP Sara ang ilang mga kongresista na ginagamit ang budget deliberation para atakihin siya.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Sa isang panayam, sinabi ni Castro na ‘feeling lang’ ni Duterte na inaatake siya, at ayaw lang nitong matanong.

Dagdag pa nito na lahat ng mga tanong ng mga kongresista ay tungkol sa budget, at naging ‘cool’ at ‘rational’ pa umano ang mga ito sa deliberasyon.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa huli, hiniling ni Castro na sana ay naging bukas ang bise presidente sa ganitong proseso, lalo pa’t may sinumpaan itong oath of office na susunod siya sa legal na proseso, partikular na sa usapin ng budget ng kanyang opisina.