Cases 1, 2, at 3 ng MPOX sa Quezon City, patuloy pa ring nagpapagaling

Patuloy pa ring nagpapagaling ang cases 1,2 at 3 ng mpox sa Quezon City.

Sa panayam ng Brigada NewsFMManila kay Quezon City CESU Chief Dr. Rolly Cruz, sinabi nitong naka-home quarantine pa rin ang dalawang pasyente at nasa maayos itong kalagayan na patuloy sa pagpapagaling.

Kaugnay nito, ang case 1 naman ay na-extend pa ang kanyang isolation dahil hindi pa masyadong magaling yung mga rashes niya na pwede pang makahawa.

Samantala, pinayuhan naman ang mga residente ng Quezon na iwasan o mag-doble ingat.

Pinaiiwas din sa pakikipagtalik kung kani-kanino dahil isa ito sa mga mode of transmission ng virus.