Involuntary hunger rate sa bansa, umakyat sa 22.9% noong Setyembre

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong pamilya na nakararanas ng ‘involuntary hunger’ o yung pagiging gutom dahil wala silang kahit na anong makain nang hindi bababa sa isang beses sa loob ng tatlong buwan batay sa Social Weather Stations (SWS).

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Ang naitalang 22.9% ay higit na mas mataas kumpara sa 17.6% na naiulat noong Hunyo.

Ang datos na ito ay kabuoan ng 16.8% na nakararanas ng Moderate Hunger at 6.1% na nakararanas din ng severe hunger

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon sa SWS, karamihan sa mga Pilipinong gutom ay nagmula sa mga mahihirap, partikular doon sa mga self-rated poor at self-rated food poor.