PNP hindi pa isinasantabi ang anggulong foul play sa pagkamatay ni Bree Jonson

Nilinaw ngayon ng Philippine National Police na hindi pa maituturing na sarado ang kaso ng pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Ito ay sa kabila ng lumabas na inisyal report na asphyxia ang pagkamatay ng biktima.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar hinihintay pa pa nila ang histopathological examination sa bangkay ni Jonson na posibleng abutin ng isang linggo bago lumabas.

Sinasabing nagsuicide si Jonson sa loob ng hotel room sa isang beach resort sa La Union noong Sabado kung saan kasama nito si Julian Ongpin.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Naniniwala naman ang ina ni Jonson na hindi nagpatiwakal ang kanyang anak kundi sinadya itong patayin.

Nabatid na inaresto si Julian, anak ni billioniare Bobby Ongpin, matapos makunan ng cocaine subalit agad din nakalaya matapos makapag-piyansa.