Muling nilinaw ng OCTA Research na hindi dapat maging sanhi ng pagka-alarma ang naitalang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Kahapon nang i-ulat ni OCTA Fellow Guido David ang ‘slight uptick’ ng COVID-19 cases sa NCR.
Katumbas ito ng 14% mula sa daily cases na naitatala noong nakaraang linggo.
Ayon kay David, hindi ito dapat ika-alarma at hindi pa rin dapat magtaas ng mga alert levels.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin aniya sa low risk classification ang Metro Manila.
#