Grupo ng mga health professionals, umapelang i-veto ang Vape Bill

Muling nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t-ibang health professionals kasama ang medical societies at mga ahensya na i-veto ang Vape Bill.

Sa isinagawang online press conference, iginiit ng grupo na nasa 59 na mga medical societies ang nagkakaisa sa panawagang huwag lagdaan ni Duterte ang panukalang batas na siyang sisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Iginiit ni Philippine Medical Association president Maria Minerva Calimag, mas lalong pinapaluwag ng panukala ang mga regulasyon sa paggamit ng mga vape products ng mga kabataan sa bansa.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kasama umano ang 59 na iba pang duly recognized organizations at muling ipinunto ng kanilang grupo ang unang petisyon noong December 20, 2021 na mahigpit na pagtutol sa vape bill.

Sa ngayon umano ay nakikita na nila ang masamang epekto sa baga ng vaping lalo na sa mga naoospital na gumagamit nito.

Kontra umano ang Vape Bill sa polisiya ng bans ana protektahan ang welfare ng bawat Pilipino lalong lalo na ng mga kabataan.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon naman kay Dra. Riz Gonzales, chair ng Tobacco Control Group ng Philippine Pediatric Society, nakakalarma ang resulta ng isinagawang survey noong 2019 kung saan 14% ang itinaas ng mga kabataang edad 12-15 anyos na gumagamit ng e-cigarettes.

Sadya umano itong nakababahala kaya nararapat na iveto ng pangulo ang panukala.

Sa ilalim ng Vape Bill o Vaporized Nicotine Products Regulation Act, pinapayagan ang pagbili ng vape at heated products ng mga kabataang edad 18 anyos mula sa orihinal na 21 anyos sa ilalim ng Sin Tax Law.(MIKE SALGADO)
#