OCTA, nakikitang handa na ang NCR Plus para sa GCQ sa mid-May

Pabor na ang independent research group OCTA na luwagan ang community quarantine restrictions sa Metro Manila at mga karatig nitong probinsya sa May 15, dahil sa patuloy na ang pagbaba sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kasi sa grupo, ang average number ng daily COVID-19 cases sa capital region ay inaasahang bababa pa sa 1,900 pagdating ng May 14.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Sa gitna nito, kailangan paring ikonsidera ang bubble set-up sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna sa kabila na nasa ilalim na ng downgraded quarantine classification, dahil may ilang mga lungsod at probinsya na mayroong unstable COVID-19 trends.

Binigyang diin rin ng OCTA Research na ang hospital bed at intensive care unit occupancy rates sa NCR Plus ay nasa 50% at 67%, kumpara sa 56% at 71% na naitala ilang linggo na ang nakalipas.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Una nang sinabi ng Department of Health na para mag-shift sa GCQ, kinakailangan umano na ang healthcare utilization rate ay below 50% at ang average daily attack rate at two-week growth rate ay kailangang pababa nang pababa.