Nakikita ng independent monitoring group na OCTA na bababa ang kasalukuyang trends ng daily COVID-19 cases sa bansa, simula sa kalagitnaan ng Setyembre.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, na ang seven-day average ng mga bagong kaso sa Pilipinas, ay bumaba sa 2,959 as of Aug. 27, o 15% decline mula noong nakaraang linggo, habang 0.91 naman sa reproduction number, as of Aug. 24 kumpara sa 0.96 noong Aug. 17.
Dahil dito, ang nasa 1,000 ang ibaba ng mga bagong kaso bawat araw sa mid-September at 500 daily naman sa katapusan ng naturang buwan.
Sinabi pa ni Guido, na ang seven-day average noong nakaraang linggo ay 3,487, kung saan ito ang pinakamataas, dalawang linggo ang nakakaraan sa 4,071, habang ang average daily attack rate, o ang average number ng mga bagong kaso araw-araw bawat 100,000 katao sa isang lugar ay nasa 2.69, na maikokonsiderang mababa.
