Fish kill naitala sa ilang palaisdaan sa Juban, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa Bulkan Bulusan

SOROSOGN CITY–Aabot sa 50 kilong tilapia ang nasayang matapos maitala ang fish kill sa ilang palaisdaan sa Barangay Buraburan, Juban, Sorsogon.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Office of the Provincial Agriculture (OPAG) OIC Roberto Fortes, kinumpirma nito na mayroon sa kanilang naireport na insidente ng fish kill kung saan nasa kabuuang 50 kilo umano ng tilapia ang naapektuhan.
Nasa 1000 tilapia fingerlings umano ang nasayang matapos na makontamina ng abo mula sa Bulkang Bulusan ang tubig sa mga palaisdaan.
Anya, delikado sa mga isda, mga hayop at sa mga halaman ang kemikal na taglay ng abo ng bulkan gaya ng sulfur at amonia.
Kailangan umanong ma crack dry ang lupa sa ilalim ng palaisdaan upang mairelease ang sulfur na naipon dito.
Samantala, sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM kay Buraburan Barangay Captain Gregorio Estera ay kinumpirma nito na nasa limang fishpond sa Purok 5 at Purok 6 sa kanyang barangay ang nakapagtala ng fish kill.
Nagkulay abo rin ang malaking bahagi ng ilang palaisdaan dahil sa ashfall. Bagamat may ilang mga nakasurvive ay pinayuhan ng opisyal ang mga may-ari nito na anihin na sa Linggo ang mga buhay pang isda upang hindi masayang.
Ayon naman kay William Torralde, isa sa mga caretaker ng apektadong palaisdaan, sa katapusan sana ng Hunyo nakatakdang anihin ang mga tilapia na kanyang inaalagaan.
Sa halos 500 tilapiang aanihin sana nila, nasa 100 piraso ang namatay.###

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting
Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting