OCTA: COVID positivity rate sa Ph, halos doble na sa benchmark ng WHO

Ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nasa 9.6% na ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas.

Ang naturang positivity rate umano ay halos doble na mula sa benchmark na 5 percent ng WHO.

Una nito, naiulat rin ng OCTA na ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, at walo pang lugar ay pumalo na sa 10 percent mark.

Sa bagong inilabas na bilang ng Department of Health (DOH), lumalabas na mayroong 2,018 karagdagang mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para muling maitala ang active cases na 13,818.

Kaugnay nito, ang Metro Manila ang nanguna sa listahan na may maraming infections sa 838 total cases, sinundan ng Iloilo sa 139 at Cavite sa 135. //MHEL PACIA