Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na nagpapatuloy ang kanilang tulong para sa mga apektado ng bagyong Leon sa Batanes at Cagayan Valley.
Ayon kay OCD Region 2 Director Leon Rafael, naging malala ang pinsala ng bagyo sa mga kabahayan at pananim sa mga nabanggit na lugar.
Handa umano magpadala pa ang ahensya ng mga tauhan upang tumulong sa Cagayan Valley at Batanes kung saan nakikipag-ugnayan na ito sa local government sa lugar upang malaman ang lawak ng pinsala.
Sa ngayon, humupa na ang baha sa ilang bahagi ng Cagayan Valley at nakakaranas na ng maayos na panahon.