20 ‘unclaimed’ na mga labi ng PDLs sa Bilibid – inihatid na sa huling hantungan

Dalawampung unclaimed na labi ng persons deprived of liberty (PDLs) ang inilibing na sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Inutusan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang paglibing noong Oktubre 24 kung saan iniutos din ang pagtirik ng kandila sa bawat puntod.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Bilang paggunita, naglagay ng malaking wreath para sa lahat ng yumaong PDL sa mga piitan at penal farms sa bansa.

Maaalala kasing mula Nobyembre 9, 2022 ay umabot na sa 384 ang bilang ng mga hindi na-claim na mga labi.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, bilang paggunita ng UNDAS 2024 ay binigyang pagkakataon naman ang pagkakaroon ng supervised video calls ng mga PDL mula Nobyembre 1 hanggang ngayong araw para makipag-ugnayan sila sa kanilang pamilya at magbigay-pugay sa mga yumaong mahal sa buhay.