Mga bumibisita sa Heritage Park para sa paggunita ng Undas, bumaba na ang bilang

Umaabot na lang sa mahigit limang libo ang bilang ng mga bumibisita rito sa Heritage Park.

Matatandaan, kahapon sa ganitong oras ay nasa dalawampung libo na ang bilang ng mga bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Pero sa kabila ng pagbaba ng bilang ay tiniyak ng pulisya na mananatili pa rin sila sa naturang lugar para bantayan ang kaligtasan ng bawat pupunta rito.

Sa kabilang banda, inaasahan din ng ilang security forces sa Libingan ng mga Bayani na bababa na ang bilang ng mga bibisita pa rito.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Bukas na lang din ang huling araw na magiging hanggang alas diyes ng gabi ang operasyon dito at pagkatapos nito ay babalik na sila sa normal operasyon na hanggang alas sais ng gabi.