OCD Region 2, namahagi ng medical suppies at equipment sa DOH Region 2

Namahagi ng mga medical supply at equipment ang Office of Civil Defense sa Department of Health Regional Field Office No. 2.

Ito umano ay bilang karagdagang suplay para sa mga prayoridad na community isolation units sa lambak ng Cagayan.

Binibigyang prayoridad ng kagawaran ang mga isolation units na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang sa mga ipinasakamay ng OCD Region 2 ay Nasal Cannulas para sa mga bata at matatanda, Non-Contact Stethoscopes, Infrared Thermometers, Hygiene Kits, IV Fluids, Pulse Oximeters at Electronic BP Monitors.

Ang mga naturang medical supplies at equipment ay personal na iniabot ni OCD Regional Director, Leon Rafael Jr, at Assistant Regional Dir. Jaye Cabauatan na tinanggap naman ni Ms. Sheila Marie Villamil at Ms. Abigail Turingan ng DOH Region 2.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang kagawaran ng kalusugan sa OCD sa mga natanggap na suplay bilang suporta sa paglaban kontra COVID-19.

Photo/DOHR2