OCD at DSWD-CALABARZON, hinimok ang LGU na isama ang mga may kapansanan sa DRRMP

Batangas City – Hinimok ng Office of the Civil Defense at Department of Social Welfare and Development CALABARZON ang mga Local Government Unit’s sa rehiyon, na isama sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Plans ang mga may kapansanan.

Sa isinagawang pagpupulong ng Regional Council for Disability Affairs, binigyang diin ni DSWD Asst. Regional Director Mylah Gatchalian na dapat siguraduhin ng mga Local DRRMC ang kapakanan ng mga PWD’s sa panahon ng kalamidad.

Aniya, dapat magsimula ang pagpaplano sa Provincial at Municipal level, pababa sa mga Barangay, upang matiyak na lahat ng mga may kapansanan ay makakabilang sa mga datos nila.

Binigyang diin naman ni Reyan Derrick Marquez, ang OCD CALABARZON’s DRRM Division Chief, na bilang ang mga Barangay ang tumatayo at unang rumeresponde sa mga kalamidad, dapat kabilang sa DRRM plan nila ang pangangailangan ng mga PWDs.

Sa ngayon ay nagsisimula na ang CALABARZON RDRRMC para sa pag-audit ng mga probisyon para sa mga PWDs, para magkaroon sila ng mapupuntahan kapag ililikas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *