Numero 1 sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons sa bayan ng Labo na may kasong 3 counts of rape arestado

CAMARINES NORTE- Huli sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ang isang 38-anyos na lalaki na numero uno (1) sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons sa bayan ng Labo bandang alas 5:00 ng hapon sa Purok 4, Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si alyas “Monay”, 38 anyos at residente ng Purok 3, Barangay Cabusay, Labo, Camarines Norte.

Si Monay ay inaresto sa bisa ng Warrants of Arrest para sa kasong three (3) counts of RAPE in relation to RA 7610 na walang rekomendadong pyansa  at one count of acts of lasciviousness na may rekomendadong piyansa na Isang Daan at Walong Libong Piso (Php108,000).

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga nasabing warrants of arrest ay ipinalabas ni Hon Judge Leo L Intia ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang Mayo 27, 2022.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon sa ulat, ang akusado ang gumahasa sa kanyang pamangkin na menor de edad na nagsimula noong buwan ng Disyembre, taong 2020, at Enero taong 2021 hanggang Enero taong 2022.

Ang nasabing insidente ay naganap sa Barangay Cabusay, Labo, Camarines Norte kung saan nabuntis ang nasabing biktima.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.