Hatol sa Amber Heard vs Johnny Depp defamation trial, inilabas na

Inilabas na ng US jury ang hatol kaugnay sa defamation trial sa pagitan ng dating celebrity couple na sina Amber Heard at Johnny Depp.

Matapos ang six-week trial ng palitan ng argumento at mga inilabas na explicit at graphic evidence, kabilang na ang mga testimonya ng mga testigo hinatulan ng Virginia jury ang ‘Aquaman actress’ na guilty sa paninira kay Depp.

Sa kabilang banda pinaburan din ng jury si Heard at sinabing may ilang aspeto din na na-defamed ni Depp si Heard.

Dahil dito pinagbabayad ng jury ng $15-Million si Heard dahil sa paninirang-puri sa Actor habang si Depp naman ay pinagbabayad ng $2-Million in damages sa dati niyang asawa.

Magugunitang kinasuhan ng 58-year old “Pirates of the Caribbean” star, si Heard ng $50 milyon at matapos umano siyang siraan matapos nitong sabihin sa isang pahayagan na siya ay “public figure representing domestic abuse”

Bumwelta naman si Heard ng kontra-demanda na $100 milyon defamation case at sinabing sinira siya ni Depp nang tawagin siya ng kanyang abogado na “fraud.”